1.)

COMMUNITY PANTRY NG PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY UMARANGKADA NA

INILUNSAD ng Philippine Christian University ang kanilang bersyon ng Community Pantry noong Lunes, Abril 26, 2021, sa pangunguna nina Dr. Junifen F. Gauuan (Pangulo ng Pamantasan) at Dr. Margie DG Dela Cruz (Direktor ng Gawain Panlabas).

Namahagi ang Pamantasan ng tulong para sa Barangay 694 na nasasakupan nito. Kabilang sa tumulong ang External Affairs Office – Community Extension Services, PCU IT Department sa pangunguna ni Assoc. Prof. Mario G. Miranda II, Brgy 694 – Kapitana Margret Reyna at mga kagawad, mga dalubguro, kawani at mga mag-aaral ng PCU-Graduate School.

Ang proyekto ay inspirasyon sa naging simulain ni Bb. Patricia Non ng Maginhawa Street, Quezon City. Tama lang na “Magbigay ayon sa Kakayahan…. Kumuha ayon sa Pangangaila­ngan.

Original post: Click here

Comments are closed.